Alam mo bang favorite subject ko ang chemistry? oo! lalo na nung grade 1 pako. sa maniwala ka man o sa hindi, sa mura kong edad ay alam ko na kung paano madetermine ang number of moles of solute na present sa 425 mL of 0.551M HClO2 . madali lang naman kase yan. kung hindi ako nagkakamali, ang kelangan mo lang gawin ay i-multiply yung 0.551M sa 0.425L tapos yun na yung sagot. pero wag kang maniniwala sakin dahil hindi ako sigurado! batuhin mo na lang ako ng calculator kung mali ako pagnagkita tayo.
kaninang umaga, nagfinal exam kami sa Chemistry. yes! second to the last exam bago matapos ang term na’to. hindi ako nakapag-aral kagabi dahil sa cartoons na pinanood kong may-ability yatang magpatulog ng tao. kaya pumasok na lang ako ng maaga para dun na sa school magreview. maganda ang naisip kong plano. umupo ako sa kubo [na hindi naman talaga dpat tawaging kubo dahil shed yun] sa tapat ng building na pag-eexaman ko. tapos kinuha ko yung notebook ko para magreview. pero waaa. nakalimutan kong wala akong marerebyu sa notebook ko dahil puro drawing lang ang laman nun. kaya nakipagkwentuhan na lang muna ako. at naubos ko yung oras sa paggawa ng wala. pero ayus lang kase msarap naman makipagkwentuhan at masarap den mag-cram. nung malapit nang magtime tsaka pa lang ako lumapit sa kaklase kong chemist para magpaturo. magaling si pj, pinagbubuntis pa lang ata sya ng nanay nya eh kinukwentuhan na sya tungkol sa stoichiometry. Lupet! nagets ko naman yung mga turo nya kahit parang malatang kanin pa utak ko kaninang umaga. magaalas-10 na nang pumasok kami sa erh-112. eto na. tenenenen! <kulog>
pagpasok ko ng room, naghanap agad ako ng magandang location. nakahanap ako ng puwesto na may magagaling sa chem na pwede kong pagtanungan. ayos. makakapagtanong ako kung sakaling hindi ko na alam ang gagawin ko. medyo nawala yung kaba ko dahil sa naging puwesto ko. sabi nga ni nikka bhie- Calm On!~ Nung nagsimula na yung exam, nalaman kong magkaiba ang sets ng exam na binigay per column. kaya yung plano ko sanang magtanong eh nagbackfire. napilitan tuloy akong magsarili at karirin yung test. mahirap yung test. nakakabaliw. kinakausap ko na nga yung calculator ko paghindi ko na alam ang isasagot. nagbabakasakaling biglang iflash nya yung sagot kahit hindi ko pa sya pinipindot. blahblahblah. tududududut. ayokong bumagsak. hindi pwede. dahil sabi ko nga, favorite subject ko ang chemistry.
natapos na yung exam at yung utak kong parang malatang kanin ay lugaw na. hindi ko na alam yung mga sunod na nangyare. ang naalala ko nalang, kumain kame sa tapsihan ng kabayo tapos nagkwentuhan ng kung anu-ano. bumalik sa school tapos nag-exam sa religion. wala nakong sasabihin tungkol sa test dito kase wala talaga akong paki sa subject na to. buti na lang, may naalala pako kahit pano. ayun, pagkatapos ng exam sa religion, nakipag extra- amazing- race- challenge ako para magpapirma ng clearance. masaya. nakakapagod. hingal. tawa. tawa. hingal. tawa.
pagkatapos ng araw nato ay gumabi na. hindi halata sa post na to na wala akong magawa. lol. kung pareho tayong walang magawa? may suggestion ako sayo. punta ka sa www.lovecalculator.com punatahan mo na lang yung site kase wala akong planong iexplain kung anu meron dito. ayun! pagnandun ka na, simple lang naman ang gagawin mo. ilagay mo sa first box yung pangalan mo tapos sa kabila naman yung pangalan ng crush mo o kahit sinong matripan mo. tapos click Calculate! may lalabas dun na love percentage. nasa sayo na lang kung maniniwala ka. pero karamihan ng mga kaklase ko, kinikilig don. kaya tingin ko magugustuhan mo yun. [wag kakalimutang icalculate ang pangalan mo at pangalan ni GMA kung boy, at pangalan naman ni Mike Enriquez, kung girl] kung ano mang kalalabasan, ipagkalat mo.
teka may kukwento pako, last na kase kakain nako. kung hindi mo na kaya iclick mo lang yung Xbutton dun sa kanan ng screen. tapos magpakamatay ka na.
eto na. nung isang araw, nang papauwi nako, sumakay ako sa van papuntang alabang. wag kang magulo. kase tong ride na’to ang nagpabago ng pananaw ko sa paggamit ng microwave oven.
mga isang oras ang hinintay namin para mapuno yung van. at sa isang oras na yun maraming pawis ang naitulo ko at mga 2,541beses na paypay na ang nagawa ko. SYET! ANG INET! hindi ko na kaya! sa pagkakataong iyon, na sa mga itlog na nilililiman ng inahen ang sympatya ko. ANG INET! SYET! pagkatapos ng isang oras ay umandar na ren sa wakas yung van. natuwa ako kase akala ko mababawasan na yung dusa ko. pero nagkamali ako. ANG INET! sabi ng erkon.ultimo erkon nagreklamo sa init ng van na yon. masnadagdagan pato ng init ng epal na Araw na yan. napaupo ako sa may side ng bintana, at kada liko ng van ay lumilipat yung pusisyun ng Araw na favorite akong tapatan. isipin mo na lang ang pakiramdam ng hotdog na kinulong sa microwave oven na tinaymeran ng 60:00 minutes habang nakaset sa heat level na 10. kung ayaw mong maniwalang eto ang naramdaman ko, punta ka dito tapos sisindihan ko ng apoy yung damit mo.
Salamat! humihinga pa akong nakalabas sa HELL VAN at nabigyan pa ako ng pagkakataong makapag-exam sa favorite subject ko. at pagkakataon na ring magawa ang walang kwentang post na to. ikinuwento ko ito para malaman nyo kung ano ang pakiramdam ng mga Ulam na iniinit natin sa microwave oven bago tayo kumain. alalahanin mo ang goldern rule.
teka babati pako. Hello to Kathy, Yuki, and Mimi. PJ thank you sa pagtutor. Ernest happy birthday!